Abante Tonite Interactive

Peacetalk hindi sinusunod

118

Dear Abante Tonite,

Sang-ayon ako kay DILG Secretary Eduardo Año na huwag magrekomenda ng tigil putokan sa pagitan ng CPP-NPA sa nakatakdang resumption ng peace talks sa kanila.

Paano naman kasi, ilang beses ng hindi tumupad ng kasunduan ang grupong ito. Nakakadala kaya ‘yong ganyang style na nakikipag-usap ka sa mga taong walang isang salita at paninindigan.

Paanong hindi madadala eh ilang ulit ng nagkaroon ng usapang pang-kapayapaan ang dalawang grupo at sumang-ayon naman ang mga ito sa mga naging ­kasunduan kabilang na yaong tigil putokan pero ang masaklap doon eh ang gobyerno lang ang sumeryoso sa mga ito kabilang na ang pagpapatupad ng ceasefire pero nakakalungkot dahil ang rebeldeng grupo ay lumabag sa na pagkasundoan at patuloy na nagsasagawa ng opensiba laban sa mga kasundaluhan at kapulisan.

Sana maging seryoso naman ang pamunuan ng CPP sa napipintong peace talks resumption para tuluyan ng matuldokan ang ilang taong pakikibaka.

Manny Ibarra