Abante Tonite Interactive

Peb 10-16 walang kuryente sa Luzon

247

Inanunsiyo ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan simula Pebrero 10 hanggang Pebrero 16, bunsod ng mga magaganap na pagkukumpuni na isasagawa sa mga apektadong lugar.

Apektado sa Peb­rero 12 ang Marikina City, partikular na sa Barangay Tumana na mawawalan ng supply ng kuryente sa pagitan ng alas-9:00 nang umaga at alas-3:00 nang hapon sa bahagi ng B. Soliven III St. mula Sweden St. hanggang malapit sa Moscow St. kasama ang Switzerland St. sa Loyola Grand Villas Subdivision.

Ito ay dahil na rin sa line reconductoring works sa B. Soliven III St. sa Loyola Grand Villas Subdivision, Brgy. Tumana, Marikina City
Sa Mandaluyong City ay mawawalan ng kuryente sa Pebrero 12 sa pagitan ng alas-10:30 nang umaga at alas-3:30 nang hapon sa bahagi ng Tanglaw St. galing Ginhawa St. hanggang at kasama ang Sikap, Kayumanggi, Maria Clara at Katarungan Sts.; at JMFLJ Holdings Inc. sa Bgys. Plainview at Barangka Drive.

Sa Rizal province, partikular na sa Cainta sa Pebrero 10 hanggang 11, 2020. Sa Antipolo City naman sa Pebrero 14 sa pagitan ng alas-12:01 nang hatinggabi at alas-5:00 nang madaling-araw.

Sa Almanza, Las Piñas City at Muntinlupa ay magba-brown out sa Huwebes.
Sa Pebrero 16 naman mawawalan ng kur­yente sa Calamba City at Los Baños sa Laguna at Sto. Tomas, Batangas. (Vick Aquino)