Abante Tonite Interactive

Pebrero: St. Valentine’s Day

By
3,808

Buong mundo ay nagdiriwang ng “Hearts Day” ngayon.

Mabiling-mabili ang pulang rosas na simbolo ng marubdob na pagmamahal, love cards, chocolates at stuffed toys.

Full booking na ang mga restaurant, napakarami rin ng “waiting” sa mga motel at hotel.

May mga gumigimik sa mga park na magkasintahan, pamilya.

Marahil, marami pa ang hindi nakakaalam kung papaano nga ba nagsimula ang pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Ano ba ang nasa likod ng istorya ni St. Valentine, ang santo ng mga puso na si Kupido?

Isang napakagandang kuwento ng pag-ibig, pag-asa, pagpapakita ng affection at debosyon.

Ang Pebrero ay tinatawag na St. Valentine’s Day.

Tuwing Pebrero 14, nagbibigay rin tayo ng mga “card” na may simbolo ng heart doves.

Ayon sa alamat, sinasabi na si Santo Valentino ay isang “Pari” na nagsilbi noong third century Rome na pinamumunuan ni Emperor Claudius II.

Ipinasya umano ni Emperor Claudius II na ang mga walang asawa o binatang mga lalaki ay mas magiging magaling na sundalo.

Sanhi nito, ipinagbawal niya ang pagpapakasal sa mga kabataang lalaki para makalikha ng isang malakas na military base.

Naisip ni Valentino na maling-mali, very unfair ang utos ng emperador, sinuway niya si Claudius.

Pasikreto, nagdaraos siya ng seremonya ng kasal sa mga magkasintahan pero nalaman ito ni Emperor Claudius II, kaya iniutos niya na ipapatay si St. Valentine.

Walang kokontra, dahil sa pag-ibig, nabubuhay tayo sa mundong ito.