Abante Tonite Interactive

PECO pinaboran ng Mandaluyong RTC

0 147

Pinigil ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 209 ang expropriation ng distribution assets ng Panay Electric Company (PECO).

Sa walong pahinang order, dineklara ni Judge Monique Quisumbing-Ignacio na void at unconstitutional ang probisyon ng Republic Act 11212 na nagkaloob ng prangkisa sa More Power para mag-distribute ng kuryente sa Iloilo City.

Nagpasalamat naman ang PECO sa naging desisyon ng Mandaluyong RTC, kasabay ng pangako na aayusin na nila ang serbisyo ng kuryente sa Iloilo.

“We will continue our modernization efforts u­sing the latest technology and industry best practices and will continue to work with and for the sustained progress of the Iloilo City.” ayon sa kompanya.

Sa record ng kaso, kinuwestyon ng More ang hurisdiksyon ng korte dahil alinsunod sa RA 8975, pinagbabawalan ang mga lower court na mag-isyu ng injunction na makakaapekto sa proyekto ng gobyerno at Section 78 ng EPIRA Law kung saan isinasaad na tanging ang Supreme Court lang ang maaaring mag-isyu ng restraining order sa anumang proyekto sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act.