Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pedicab driver binoga ng nakasalubong na senglot

0 100

Sugatan ang 29-anyos na sidecar boy matapos na barilin sa likod at hita ng lasing na lalaking nakasalubong niya sa isang eskinita sa San Andres Bukid, Maynila kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Jayson Aquino. Tumakas naman ang suspek na kinilalang si ‘JR Oneside’. Naglalakad umano ang biktima sa eskinita sa Radium Street nang makasalubong ang suspek na lango sa alak.

SM food to go Banner Ad

Kilala umano ang suspek bilang notoryus sa kanilang lugar kaya natakot ang biktima nang nakasalubong ito at tumakbo papalayo. Gayunman, nakakailang metro pa lamang siya nang maramdaman na namamanhid ang kanyang kaliwang hita at nang tingnan ay may tama siya ng bala maging sa likuran.

Humingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kamag-anak na nagsugod sa kanya sa pagamutan. Tinutugis naman ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.