Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pedopilyang Kano sinipa ng BI

0 357

Sinipa palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang pedopilyang Amerikano na inakusahan ng sekswal na pagsasamantala sa mga batang babae sa Cebu City.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang 64-anyos na si Craig Alex Levin ay ipinatapon noong Huwebes sakay ng isang chartered special flight ng US Embassy mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Morente, iniutos na mapaalis ng bansa si Levin dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien, at dahil sa kanyang kalagayan bilang isang wanted fugitive. Aniya, “He has been placed in our immigration blacklist, thus he is now perpetually banned from re-entering the Philippines. Henceforth, he would no longer pose a threat to our Filipino children.”

Sa rekord mula sa Women and Children Protection Center ng Pulisya sa Region 7, inaresto si Levin sa kanyang condominium unit sa Brgy. Cogon Ramos, Cebu City noong Mayo 24, 2019 matapos niyang makita na kasama ang 15-anyos na batang babae sa kanyang silid. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.