Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng account ng Senado sa socmed binabala

0 53

Nagbabala ang Senado sa publiko tungkol sa mga pekeng social media accounts gamit ang pangalan ng institusyon.

Ginawa ni Senate Secretary Renato Bantug ang pahayag matapos makatanggap ang ulat na ilang pahina sa Facebook at LinkedIn ang ginagamit ang “Senate of the Philippines” at ginagamit pa ang seal ng institusyon para mag-post ng mga maling impormasyon.

“The Senate of the Philippines has received reports that certain pages on Facebook and LinkedIn are using the name “Senate of the Philippines” and mimicking the Senate’s seal to post inaccurate, misleading, and inflammatory content,” sabi ni Bantug sa isang statement.

Paglilinaw pa ng Senate secretary, lahat ng pahina ng Senado sa Facebook, Twitter at Instagram ay pawang verified accounts at may “blue check marks” na nagsaad na pagiging tunay nito.

Wala rin umanong opisyal na LinkedIn page ang Senado, dagdag pa ni Bantug. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.