Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng ahente ng NBI buking sa P200K scam

0 69

Bumagsak sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nagpapanggap umanong ahente ng ahensiya at nanghihingi ng pera sa kanyang biktima, kamakailan sa Quezon City.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Charlestone Mesa Cañales.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng complainant na nagkaproblema umano sa seller ng binili niyang dump truck.

Isang kaibigan ng complainant ang nagpakilala sa suspek at nangako na tutulungan sa problema pero laking gulat ng complainant­ nang manghingi ito ng P200,000 para umano sa kanyang mobilization fee.

Nagduda ang biktima na pekeng NBI agent ang kanyang kaharap kaya kaagad siyang nagreklamo sa NBI-Special Action Unit na pinlano ang entrapment operation.

Sinabi ng biktima kay Cañales na P100,000 muna ang kanyang ibibigay.

Noong Hulyo 23, nakipagkita ang biktima sa suspek sa parking lot ng isang bangko sa Brgy. Lourdes, Quezon City at pagkaabot ng marked money ay inaresto ang huli.

Nakuha umano mula kay Cañales ang NBI badge, smartphone, jacket na may NBI logo, voter’s ID, itim na holster at face mask na may NBI logo.

Sinampahan ang suspek ng kasong pag­labag sa usurpation of authority, extortion, at paglabag sa Anti-Red Tape Act. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.