Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng birth certificate ng biyahero bulilyaso sa BI

0 28

Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Im­migration (BI) sa NAIA ang isa pang pamamaraan na ginagamit ng mga ‘sindi­kato’ ng human trafficking upang mapadali ang iligal na pag-alis ng kanilang biktima sa bansa.

Sa ulat, sinabi ng mga opisyal ng BI TCEU na na­harang ang isang babaeng OFW sa NAIA Terminal 3 noong Linggo na tang­kang sasakay sa isang Qatar Airways flight patungong Saudi Arabia.

SM food to go Banner Ad

Inamin ng biktima, sa pagtatanong, na pineke niya ang kanyang mga travel document sa pama­magitan ng paggamit ng pagkakakilanlan ng kan­yang kaibigan sa Mindanao. Pinahiram ng kanyang kai­bigan ang birth certificate nito upang maaari siyang mag-apply para sa isang pasaporte na nakatutugon sa kinakailangang edad upang magtrabaho bilang isang household service worker sa Saudi Arabia na 23-anyos kahit pa siya ay 20-anyos pa lang.

Ginamit din aniya niya ang birth certificate ng kai­bigan udpang makakuha ng TIN card at postal ID. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.