Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng bombero kalaboso sa pangingikil

0 75

Dinakma ng mga aw­toridad ang lalaking nag­pakilalang bombero at kasabwat nito matapos na mangikil sa mga negosyante para sa pekeng fire safety inspection certifi­cate sa Quezon City.

Sa report ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, ang mga naares­to ay nakilalang sina Man­uelito Santos, 34-anyos, na nagpanggap na bumbero, at Melvin Quizada, 45, kasabwat.

Una rito ay nagreklamo sa QC Bureau of Fire Pro­tection (BFP) ang may-ari ng isang Korean super­market na hinihingan sila ng P5,000 ni Santos na nagsagawa umano ng bi­glaang inspeksyon.

Sinabi umano ni San­tos na ang hinihinging P5,000 ay para umano sa pagre-refill ng kanilang fire extinguisher at para mabigyan sila ng fire safe­ty inspection certificate.

Nagpakilala ang sus­pek bilang isang FO1 Eric Arulfo na nakasuot pa umano ng orange na uni­porme at may dala pang ID na nagpapatunay na isa siyang bombero.

Sinabi ni Fire Insp. Rowelle Yarcia, hepe ng investigation and intelli­gence branch ng QC Fire District, na noon pa sila nakatatanggap ng reklamo sa mga establisimiyentong nabibiktima ng pekeng bombero na nagbabanta ng penalty kapag may nakitang paglabag sa fire code. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.