Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng colonel sa Bulacan timbog

0 166

Isang drug personality na nagpakilalang police colonel ng Interpol ang nadakip ng operatiba makaraang kumagat sa inilatag na buy-bust operation sa Northville sakop ng Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan kamakalawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakilala ang suspek na si Alejandro Quines, residente ng Brgy. Lambakin na nagtataglay ng pekeng identification ng Interpol na may ranggong colonel na nakatalaga sa All Asian Command Department-Office of the Supreme Commanding General na nakabase sa Sacramento, California.

Nabatid na alas-10:09 ng umaga nang magkasa ng anti-illegal drug operation laban sa kay Quines makaraang bentahan ng droga ang undercover agent at marekober sa kanyang posesyon ang apat na pakete ng shabu, buy-bust money at pekeng Interpol ID. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.