Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng contact tracer naninigil sa test kit

0 326

Pinag-iingat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko laban sa mga conmen o con artist na umiikot at namamemera ngayong pandemya, sa pamamagitan nang pagpapakilalang mga miyembro ng contact tracing team, upang makapanloko sa pamamagitan nang paniningil ng bayad para sa COVID-19 test kit.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, may mga tiwaling indibidwal na nagpapanggap na contact tracers at nagpapadala ng text message o tumatawag sa mga taong natukoy na close contact ng isang COVID patient at nililinlang ang mga ito para magbayad ng halaga ng testing kit.

“We ask the public to be vigilant. Huwag po tayong basta-basta magtitiwala sa mga taong tatawag o magte-text para humingi ng pera. ‘Pag may pera na po sa usapan, scam na po iyan,” ani Malaya.

SM food to go Banner Ad

May ulat umano mula sa DILG Region III hinggil sa pagpapanggap ng ilang indibidwal na miyembro ng contact tracing team at nanggagantso ng mga biktima at sasabihin na close contact sila ng COVID-19 patient.

Aniya, modus ng sindikato na pilitin ang mga ito na masuri ang mga biktima sa loob ng susunod na 72 hours. Hihingi din ng address ang mga ito para mai-deliver ang umano’y testing kit.

“’Yun na ‘yung catch, matapos makuha yung address ng biktima, bigla nila ngayon itong sisingilin at sasabihing hindi libre ang test kit…Kapag tumanggi naman ‘yung tao, pagbabantaan sila na they will face penalties for not undergoing the coronavirus test.” dagdag pa nito.

Giniit ng opisyal na agad isumbong sa awtoridad ang mga ganitong aktibida. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.