Abante Tonite Interactive

Pekeng doc tinimbog

0 374

Inaresto ang isang 34-anyos na pekeng dentista habang sinusukatan ng pustiso ang nagpanggap na customer sa isinagawang entrapment operation ng Las Piñas City Police kamakalawa (Hulyo 10) sa Las Piñas City.

Hindi na nakapalag si Mathew Clarete Matira, ng Block 4 Lot 9 Pieces St., Camella Homes, Muntinlupa City nang posasan ng mga tauhan ng Police Community Precinct 6 sa pangunguna ni P/Capt. Gladys Biare dakong alas-2:30 nang hapon sa Gumteeth Dental Care Clinic sa No. 366 Real St., Alabang-Zapote Road, Talon I.

Sinusukatan ng pustiso ni Matira ang isang nagpanggap na customer nang dakpin siya ng mga awtoridad sa harap nina Dr. Narisa Ragos, Overall Chairman ng Campaign Against Illegal Practice of Dentistry at Dr. Noel Papa, Records coordinator naman ng Campaign Against Illegal Dentist.

Kinumpiska rin ng pulisya ang iba pang mga gamit at instrumento ni Matira sa ‘clinic’ nang mabigong magpakita ng lisensiya mula sa Profesional Regulation Commission.

Agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang nagpanggap na dentista. (Armida Rico)