Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng doktor, nurse nadale 10 pasyente

0 259

Nabisto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang two-member gang na nagpa­panggap bilang mga medical practitioner at nambibiktima ng mga maysakit, kabilang ang mga may COVID-19.

Batay sa official report, nirekomenda ng NBI-Anti-Organized Crime Division (AOCTD) ang prosekusyon ni Maria Annalyn Rivera at associ­ate nitong si Paul Tamares ng kabuuang 10 kaso sa Imus, Cavite Prosecutor’s Office, na resulta ng kanilang imbestigasyon base sa reklamo ng mga kamag-anak ng biktima ng dalawa.

“Nabisto ‘yung modus nila, when the victim’s family started to get suspicious when their rela­tive died after three days, their suspicion was bolstered when Tamares, who acted as nurse while treating their relative, made an error of telling them he also uses an alias as Paul Francisco,” dagdag ng isang ahente ng NBI na pamilyar sa kaso.

Ayon pa sa NBI, nasawi ang ‘pasyente’ ng suspek matapos ang tatlong araw ng ‘pang­gagamot’ ni Rivera.

Bukod sa ginoyo ng mga suspek ang mga biktima, saad sa ulat, hinarass at tinakot din ng dalawa ang mga kamag-anak na nanghingi ng prescription paper pambili ng gamot sa ibang botika para makatipid.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At one point during the supposed treatment, Tamares with scissors on hand told the relatives he was instructed by Rivera to cut off the IV flow and remove the oxygen from the patient, if they insist of outsourcing the medicine, because they claim the medicine is inclusive in the treatment package,” ayon sa ahente.

Inaresto ang mga suspek sa isang niren­tahang lugar sa Malagasang Road, Sunnydale Village sa Imus na nagsilbing clinic nila.

Nasaksihan ng dalawang ahente, na nag­panggap na pasyente, ang operasyon ni Rivera na nagpanggap na medical doctor at nagsagawa ng pagsusuri sa mga biktima.

Namigay din ito ng prescription ng mga gamot, at sinabihan ang kanyang mga ‘pasyente’ na bilhin ito sa kanyang gawa-gawang botika sa tabi ng kanyang ‘clinic’.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng estafa, falsification of public documents, using fictitious names, illegal practice of medicine, Pharmacy Act, at use of aliases. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.