Abante Tonite Interactive

Pekeng face mask nasamsam sa Maynila

0 168

Binigyan ng show cause order ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang tatlong establisimyento sa Maynila dahil sa pagbebentan ng peke at overpriced na mga N95 mask sa kasagsagan ng pagbuga ng abo ng Bulkang Taal.

Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, sinabi umano ni permits bureau chief Levy Facundo na umabot pa sa P700 kada isa ang presyo ng face masksnang tumaas ang demand.

Hinikayat ni Moreno ang mga nabiktima ng mga mapagsamantalang trader na itago ang kanilang resibo para sa kaukulang aksiyon.

Nauna dito, nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry sa ilang mga tindahan ng face mask sa may Sta. Cruz, Maynila nitong Martes nang umaga kung saan may nahuli na nagbebenta ng sobrang mahal na N95 mask, na nasa presyong P120 ang halaga bukod sa mga pekeng N95 mask. (Juliet de Loza/ Armida Rico)