Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng ID na may mukha ni Duterte nasabat sa California

0 273

Isang pekeng driver’s license na may mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakumpiska kamakailan ng Los Angeles Police Department (LAPD) sa California, USA.

Ibinahagi ang screenshot ng pekeng driver’s license, na may address sa Glendale, sa official Twitter account ng istasyon na @LAPDRampart noong Marso 10.

“Vice Officers recognized the picture used on a fake ID, to be that of the President of the Philippines. Good thing our Officers patrol Historic Filipino Town and are up to speed. Nice try,” tweet ng LAPD na nilagyan ng laughing, boxing gloves at Philippine flag emoji.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinakpan ng LAPD ang mga impormasyong nakasulat sa ID katulad ng pangalan pero makikita ang pirma sa ilalim ng ID photo kung saan mababasa ang “Norman D”.

Hindi tinukoy ng mga Americal police kung nakilala nito ang may-ari ng pekeng ID o kung isa itong Filipino-American. (Issa Santiago/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.