Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng lady fiscal nangikil ng P20K

0 49

Isang babaeng nagpakilalang piskal sa Office of the Provincial Prosecutors Office sa Malolos ang dinakip makaraang hingan nito ng halagang P20,000 ang kapatid ng isang drug suspect na nahuli sa pagtutulak ng droga kapalit ng kalayaan nito sa entrapment operation sa Barangay Pulong Bayabas, San Miguel, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, Bulacan police director, ang pekeng prosecutor na si Hazel Victoria, ng Barangay Balite, San Miguel na nakakulong ngayon at nahaharap sa kaso.

Alas 4:20 ng hapon kamakalawa nang maglatag ng entrapment operation ang San Miguel police sa overall supervision ni P/Lt.Col. Voltaire Rivera, San Miguel police chief, laban sa suspek.

SM food to go Banner Ad

Tiklo at buking si Victoria nang mag-report sa pulisya ang kapatid ng isang nahuling drug suspect dahil nagpakilala ang suspek na si Victoria na siya si Fiscal Michael Cruz mula sa Office of the Provincial Prosecutor Office sa Malolos, Bulacan at humihingi ito ng P20K kapalit ng kalayaan ng kapatid. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.