Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng MEPS machine buking

0 86

Nadiskubre ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga pekeng Manila Express Payment System (MEPS) sa Pasay at Paranaque.

Ayon kay NBI-IPRD Head Agent Glenn Ricarte, humingi sa kanila ng tulong ang MEPS na kanilang nadiskubre matapos ireklamo ang mga depektibong machine. Nang kanilang suriin nabatid na hindi ito pag-aari ng kanilang kumpanya dahilan para masira ang kanilang kredibilidad at malito ang mga kliyente.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Rainelda Estacio-Montesa, ng Branch 46, Manila Regional Trial Court, sinalakay nila ang Alfamart – Brgy. Tunasan, Muntinlupa City; Lawson – Newport, Ground Floor, Belmont Hotel, Newport Blvd, Newport, Pasay; Potx – GATE 10, PITX, Kennedy Road, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Gayundin ang ALfamart – PITX, Kennedy Road, Brgy. Tambo, Parañaque City; at ang Lawson PITX, Kennedy Road, Brgy. Tambo, Parañaque City noong Enero 19.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na ang MEPS ay sangkot sa negosyong business of franchising, distribution, trading at pagbebenta ng rehistradong patented Information Technology (IT) products pero di limitado sa TouchPay, na isang payment system.

Nalaman ng NBI na ang mga identical machine ay may nakalagay na markings na “Xytrix” at “Zoompay” at kalaunan nalaman na ang machines ay pag-aari ng Xytrix Systems Corporation.

Nang magsagawa ng testing sa mga machine, nalaman na ang Xytrix Systems Corporation ay gumagamit ng system flow o business process sa kanilang machine na kaparehas ng nakarehistrong utility model ng “TouchPay”, na pag-aari ng MEPS.

Nalaman rin na ang Xytrix Systems Corp ay gumagamit ng tagline na “Easy. Fast. Convenient” sa pag-promote ng kanilang negosyo na kaparehas ng sa “Touchpay” na “Easy. Secure. Convenient

Sinampahan ito ng NBI ng kasong Unfair Competition sa ilalim ng Section 168 of Republic Act No. 8293, kilala bilang “Intellectual Property Code of the Philippines na may parusang 2-5 taong pagkabilanggo, multa na P50,000 hanggang P200,000. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.