Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng nurse nagbenta ng COVID vaccine buking

0 84

Timbog ang isang babae sa Pasay City matapos na manggamit umano ng pangalan at ID para magkunwaring nurse at makapagbenta ng mga bakuna kontra COVID-19.

Sa report, nangyari ito Miyerkoles ng hapon, at mismong ang totoong nurse na si Dayrelle Esteban, 35-anyos, ang nagreklamo.

Kinilala naman ang suspek na si alyas ‘Mich’, 35, na naaresto sa entrapment operation sa kainan sa Pasay City.

Sa report, nag-abot si Esteban sa suspek ng nasa P50,000. Nagsilbi itong downpayment sa bibilhin sanang mahigit 50 bakuna na ibinebenta sa halagang P110,000 o nasa mahigit P2,000 kada bakuna.

Sinabi ni Esteban na mga bakuna ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac ang alok ni Mich.

Sinabi pa nito na galing ang suplay sa isang pribadong ospital sa Makati at isang government hospital sa Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Nitong nagdaang weekend, nag-message ang isang guwardiya ng security agency na nakausap ng suspek.

Sinabi nito na nagpanggap ang suspek na empleyado ng pribadong ospital at ipinadala sa guwardiya ang kopya ng professional ID ni Esteban pero ibang larawan ang nakalagay. Ginamit din umano ng suspek ang ID sa Facebook post ng totoong nurse.

Pero wala itong dalang bakuna, at hinuli na ng pulis sa entrapment operation.

Samantala, inaresto rin si alyas ‘Gelo’, na kasabwat umano ni Mich.

Banggit ni Mich, wala siyang trabaho at dati siyang kasambahay. Kasong estafa o swindling at identity theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act ang kahaharapin ng suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.