Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng P1K bill binebenta ng P200

0 77

Nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bangko Sentral ng Pilipinas ang mahigit 100 piraso ng pekeng P1,000 bill sa Maynila.

Ayon kay Atty. Ruel Dugayon, chief ng NBI International Airport Division ang mga naturang pekeng per ana binebenta sa halagang P200 kada isa.

Naaresto ng NBI sa isinagawang buy-bust ang isang suspek. Nabatid na ang mga pekeng pera ay halos kapareho ng mga orihinal na P1,000 bill.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI kung saan ginagawa at nanggagaling ang mga pekeng pera. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.