Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng padala sa Lazada, Shopee buking

0 178

Nakalkal ng operatiba ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), ang mga bulto ng Lazada at Shopee parcel na naglalaman ng mga bato sa raid sa bodega sa isang condominium unit kahapon ng hapon sa Otis, Paco, Maynila.

Nabatid na sinalakay ng mga tuhan ng SMaRT sa pangunguna ni PLt. Col Rosalino Ibay, kasama si Levi Favundo, chief ng Bureau of Permits Licensing Office ang isang http://www.slaterpharmacy.com bodega para beripikahin ang sumbong kaugnay sa mga Lazada parcels na naglalaman ng mga bato sa halip na mga produktong inorder.

Ang bodega ay pag-aari ng isang electronic seller kung saan mga gadgets gaya ng cellular phones ang ibinebenta.

Alas-2:30 ng hapon nang salakayin ang bodega sa 1120 Otis St. Paco, matapos magreklamo ang isang ginang na umorder ng isang cellphone at nang dumating ay bato ang laman.

Mayroon umanong 36 na account sa Lazada at shopee ang mga seller na nagbebenta ng pekeng android cellphones at naghahatid ng mga parcels na ang laman ay mga bato sa halip na mga order na cellphones.

Wala namang inabutang suspek ang SMaRT pero inaalam pa nila kung sino ang nasa likod nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.