Abante Tonite Interactive

Pekeng pampaganda, pampaputi ibinabala ng FDA

294

Pinag-iingat ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa paggamit ng pampaganda at pampaputing produkto makaraang magkasunod na salakayin ang dalawang establishment sa Antipolo City at Matina Davao City na nakumpiskahan ng libo-libong halaga ng pekeng produkto.

Ayon kay FDA Dir. Gene­ral Nela Charade Puno, u­nang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang dalawang sangay ng Misumi Direct Sales sa No. 25, Maya Ave., Okinari Bldg., Merville Park Subd,. San Roque, Antipolo City na pag-aari ng isang Donnah Mae Martinez-Miranda.

Kabilang sa mga kinum­piskang pekeng produkto ay Bihaku Aha Blue Boos­ter with Blueberry Fruit Extract, Skin whitening pro­ducts, Bihaku Whitening lotion, Seoul Beauty Pore-Fect Powder Infuse with Snail 30ml.

Abante Hiring – IT dep

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa rules and regulation ng FDA si Martinez dahil sa pag-o-operate nito ng illegal na walang License to Operate (LTO) at Certificate of Pro­duct Registration (CPR) mula sa FDA.

Sinalakay din ng mga tauhan ng FDA ang Misumi Direct Sales na makikita sa 2nd floor, Vastland Bldg., McArthur Highway cor. Topaz St. Matina, Davao City na nakumpiskahan din ng mga pekeng produkto na nagkakahalaga ng P220,560.