Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng pulis laglag sa bentahan ng baril

0 67

ARESTADO ang isang miyembro ng Ozamis Criminal Group na responsable sa bentahan ng baril at nagpanggap na kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Oplan Paglalansag sa Bacoor City, Cavite, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Alvin Rometo y Quimbo, 50, isang matchmaker ng Martin Compound San Nicolas 1 Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, alas-6:00 Sabado ng gabi nang magsagawa ng Oplan Paglalansag ang mga operatiba ng CIDG SMMDFU, Cavite PFU at Philippine Intelligence Army sa Martin compound San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite laban sa suspek dahil sa paglabag sa gun ban.

Nauna dito ay nakatanggap ng impormasyon na ang suspek ay nagpapakilalang miyembro ng PNP at responsable sa pagbebenta ng baril, robbery hold-up at nag-alok din ang suspek ng granada sa posuer buyer. Subalit lumitaw na hindi konektado ang suspek sa PNP.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 45; mga bala; pekeng PNP at AFP ID, granada at boodle money.
Nabatid na ang suspek ay miyembro ng Ozamis Criminal Group at responsable sa pagbebenta ng baril sa Cavite. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.