Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng vitamin C, pampaputi kinumpiska sa Maynila

0 67

Nasamsam ng National Bureau of Investigation-Intellectual and Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga pekeng vitamin C, sabon, at mga pampaputing produkto sa isang condominium unit na ginawang bodega sa Vitas, Tondo, Maynila.

Nabatid kay NBI-IPRD Supervising Agent Dennis Aguatin, dumulog umano ang JPMC Health Care Product and Trading Corp., kompanya sa Pasig upang isumbong ang pamemeke umano sa kanilang produktong bitamina.

Pasado alas-dos kahapon nang salakayin ng mga ahente ng NBI ang lugar at binidbit ang mga hindi pa pinangalanang naabutan sa loob ng unit.

Nagsagawa muna ng surveillance ang NBI at nang makakuha ng search warrant ay isinagawa ang pagsalakay.

Nalaman na ang mga produkto na nasamsam ay walang permit mula sa Food And Drug Administration (FDA). Kabilang sa inabutan ng NBI sa Condominium Unit ang kahon kahong vitamin c at iba pang food supplements, mga sabon, kape at iba pang produkto na pampaputi ng balat.

Inaalam pa ng NBI ang halaga ng nasamsam na produkto at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.