Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pekeng yosi sa van naharang, 2 tiklo

0 78

Mahigit sa isang milyong pisong halaga ng kontrabandong sigarilyo ang nakumpiska ng mga nagpapatrulyang pulis noong Sabado ng umaga sa Brgy. San Carlos, Cabiao, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Jeffrey Alivia sa tanggapan ni PColonel Jaime Santos, OIC provincial director, naaresto sina Ramonito Monterhermoso Amameo, 50, ng San Jose Del Monte City, Bulacan at si Michael Mirando Bernancio, 40, ng Tanauan, Batangas.

Alas-10:40 ng umaga habang nagpapatrulya sina Major Alivia ay napansin nila ang closed van na nakaparada sa gilid ng highway.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang papalapit na ang mga pulis ay biglang umarangkada ang sasakyan kaya tinugis ito at hinarang.

Doon na tumambad ang kargada ng van na 60 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga umano ng P1.2M.

Nang sitahin ay wala umanong maipakitang mga papeles o dokumento ang dalawa kaya inaresto. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.