Abante Tonite Interactive

Pelicans plastik kay Magic Johnson

284

Hindi nagpakatotoo ang New Orleans Pelicans sa pakikipag-usap sa Los Angeles Lakers para sa Anthony Davis trade, ayon kay Earvin ‘Magic’ Johnson.

“No,” sagot ni Magic, Lakers president for basketball operations, nang matanong nitong Linggo kung naniniwala siyang ‘in good faith’ na nakipag-bargain ang Pelicans.

Nakipagnegosasyon ang Lakers para makuha sa Pelicans si Davis pero walang naisarang deal hanggang natapos ang trade deadline nitong Huwebes.

“We knew that basically at the end of the day what happened,” dagdag ni Magic. “And we knew that when we first started. In terms of what happened, hey, it is what it is.”

Wala rin naman problema sa players na ipina-package ng Lakers noon para sa trade, professionals daw ang mga ito at naiintindihan ang kalakaran.

“Quit making this about thinking these guys are babies, because that’s what you’re treating them like,” pakli ng La­kers great.
“They’re professionals. All of them. This is how this league works. They know it, I know it.”

Move on na lang sila, panapos ni Johnson.