Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pelicans, Saints owner may Covid

0 157

‘Di nakaligtas sa kumakalat ngayong coronavirus disease ang may-ari ng New Orleans Pelicans sa National Basketball Association (NBA) at New Orleans Saints sa National Football League (NFL).

Ang bilyonaryang nagka pandemya ay si Gayle Benson, 73. Biyuda ni Tom Benson na yumao noong Marso 2018.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Greg Bensel na communications and broadcasting vice president ng dalawang team, ang kumumpirma sa pagkahawa ni Gayle, hindi rin sa ospital kundi sa bahay naka-quarantine at patuloy na nagtatrabaho.

Kaka-donate lang ng biyuda ng $1M para sa mga biktima ng pandemya sa kanyang lugar. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.