Abante Tonite Interactive

Pelikula ng KathDen pasok sa Google Top 10 Most Searched Movies

641

WAGING-wagi talaga ang tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Tapos nang mamiruya ng salapi ng bayan ang Hello, Love, Goodbye pero hanggang ngayon ay umaani pa rin sila ng tagumpay.

Sa pandaigdigang labanan ay tanging ang pelikula lang nila ang nakipagsalpukan sa takilya sa pinakamalalakas na pelikulang ipinalabas.

Kaisa-isa lang na pelikulang Pilipinong pumuwesto ang HLG sa Google Top 10 Most Searched Movies. Pumangalawa sila sa Avengers Endgame at tinalo pa nila ang kinita ng Captain Marvel.

Maligayang bati sa matinding tagumpay nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, kayo na talaga, walang kaduda-duda!

Ikinahiya ang ina: Anak ayaw umuwi ng Pinas

HINDI talaga ibibigay ng kapalaran sa isang tao lang ang lahat ng sorpresa sa buhay. Puwedeng wala siyang problema sa pananalapi pero malungkot naman ang kanyang personal na buhay.

Puwedeng masaya ang kanyang pamilya pero kapos na kapos naman sila sa pera. Palaging balanse ang kapalaran.

Kuwento ng isang source, “Tulad na lang nu’ng isang kilalang female personality na sa biglang tingin, e, parang wala nang problema sa buhay dahil nahihiga na siya sa salapi.

“Maraming naiinggit sa buhay niya, parang nasa kanya na raw ang lahat-lahat, pero may matindi pala siyang pinoproblema kaya hindi pa rin kumpleto ang buhay niya.

“Gusto niya kasing makasama ang anak niya, malaking consolation kasi para sa kanya na nandito ang anak niya, pero ayaw naman palang umuwi dito!

“Matagal na niyang pinakikiusapan ‘yung bata na dito na lang mag-stay na kasama niya, pero tumatanggi ‘yung anak niya, ayaw!” unang kuwento ng aming source.

Ang masakit pa ay hindi sa kanya sinasabi nu’ng bagets kung bakit ayaw nitong mamalagi na lang dito. Sa kanyang mga kaibigan pa nagsasalita ang anak ng female personality, lalo na sa kanyang mga pinsan, napakasakit nga naman nu’n.

Patuloy ng aming impormante, “Ang sabi ng bagets, e, ayaw raw niyang mag-stay dito dahil napakagulo ng takbo ng buhay ng mommy niya. Hiyang-hiya na raw siya sa mga isyung sangkot ang mother niya!

“May social media raw naman para sa communication nila, kaya hanggang du’n na lang ang kanya niyang ibigay, sabi pa nu’ng bagets sa mga friends niya!” kuwento pa ng aming source.

Hay, naku, napakasakit nga naman nu’n. kaya pala ang umiikot na kuwento ay alak ang palaging kaulayaw ng female personality ngayon mula umaga hanggang gabi.

Kapamilya star nagbabalak mag-ober da bakod

HABANG hinihintay ng buong sambayanan ang pagdating ng Pasko at Bagong Taon ay parang ayaw namang patakbuhin nang mabilis ng mga taga-ABS-CBN ang panahon.

May Damocles sword kasing nakaumang sa kanilang bumbunan ngayon dahil hanggang sa darating na Marso na lang ang prangkisa ng network.

Paano raw kung walang makapagpalambot sa puso ni PRRD hanggang sa dumating ang Marso? Paano na ang libu-libong empleyado ng istasyon na walang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan kundi ang ABS-CBN lang?

Sabi ng aming source, “May mga nag-aasikaso naman sa franchise renewal, hindi naman nakaupo lang ang mga namumuno sa network. Sana nga, e, magkaroon ng positive result ang mga ginagawa nila,”

Hindi lang sila nagpapahalata pero maraming artista ng ABS-CBN ang nababawasan na rin ang tapang ngayon dahil sa hinaharap na problema ng kanilang istasyon.

“May mga naniniwalang makapagre-renew ang network, pero mas maraming epektado, ‘yung mga naniniwalang hanggang sa March na lang talaga ang istasyon nila.

“Ngayon malalaman ng ABS-CBN kung sinu-sino talaga ang dapat nilang sabitan ng loyalty award. May mga artista silang ngayon pa lang, e, nagsisigurado na. Meron na silang balak na lumundag sa kabilang bakod.

“Part of survival ‘yun, lalo na’t wala naman silang pinagkakakitaan talaga kundi ang pag-aartista nila,” rebelasyon ng isang nakausap naming source.
Mas marami pa rin ang umaasa at nagdarasal na sana’y mabigyan pa ng panibagong pagkakataon ang ABS-CBN na makapagsahimpapawid.

Para maraming manggagawa ang hindi mawalan ng trabaho, para maraming artistang magpatuloy pa rin ang pamumulaklak ng kanilang karera, para may pamimilian pa ring network na panonoorin ang sambayanang Pilipino.