Abante Tonite Interactive

Pelikula ni Vice naka-P100M na

358

tonite-imo-vinia-vivarDahil sa tweet ni Vice Ganda last Dec. 26, isang araw matapos magbukas sa sinehan ang Metro Manila Film Festival 2018, marami ang humuhula na naka-P100M na ang opening box office gross ng Fantastica.

“100Million na palakhak, pagmamahal at pasasalamat po Madlang People sa buong Pilipinas!!! FANTASTIC tayo ngayong Pasko!!!” ang tweet ni Vice Ganda.

Pinalagay na ng mga netizens na 100M ang kinita ng Fantastica sa opening day kaya ang daming nag-congratulate kay Vice.

“Omg, 100 million! Congrats po and thanks so much for the opportunity you’ve given to kisses and donny! We are eternally grateful!” ang komento ng isang netizen na obviously ay fan ng DonKiss loveteam nina Donie Pangilinan at Kisses Dalavin.

Kahapon ay ibinalita rin ni Mico del Rosario ng Star Cinema na nagdagdag ng sinehan ang Fantastica and it’s now showing in 330 cinemas.

Relasyong Kris, Atty. Gideon nabuhay

Dahil kasama ngayon ng mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby sa bakasyon sa Japan si Atty. Gideon Peña, nabuhay na naman ang tsismis na baka talagang may namumuo nang relasyon sa kanila.

Kaya naman sa mahabang post ni Kris sa kanyang Instagram account ay nilinaw niya ulit na magkaibigan lang talaga sila ng abogado at say pa nga niya in a reply sa isang netizen, she’s old enough para maging nanay ni Atty. G.

“Bimb’s worried you’ll get the wrong idea & he said my follo­wers should know attorney is a good person & is FREE, just like his kuya @jiggycruz- Atty Gid is our family friend- hopefully he’ll soon be with the KCAP team this 2019. Yes, my 11 year old wants to use my IG to find dates for jiggy and atty gid. So i obeyed,” ang saad ni Kris sa kanyang post.

Medyo nalito naman kami sa sumunod na bahagi ng post niya dahil hindi namin alam kung si Atty Gideon pa ba ang tinutukoy niya na nagpadala ng Christmas message sa kanya or si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“On hindsight the person Bimb got to res­pect after things didn’t work out with his mama sent me a kind Christmas message & he has been a gentleman; he never text me or spoke to me in a mean or spiteful manner, and that has mattered a lot to my bunso. i don’t want to intrude in his life now BUT i’m hoping people close to him will say the Miley Cyrus song was for him & the sentiment is sincere. Again this was done because my bunso encouraged me to say the truth, we’re peaceful & grateful for what’s here & now. And we want to wish others who have shown us respect-true happiness & God’s blessings,” pahayag ni Kris.

May isa namang netizen na in-encourage siya sa relationship with a younger man dahil ang husband daw niya ay 10 years younger than her.

Sagot ni Kris, “Josh’s dad was 18 years ol­der. Next serious relationship for me he was 11 years older, then bimb’s dad was 11 years younger.

Honest- plus 5/minus 5 seems like the practical age gap… but it’s hard enough to take care of me. Even my 2 sons feel they have to take care of their mom. Let’s not burden another person w/ me? The 3 of us w/ our extended family (sila Alvin, Jack, Rochelle, Jonathan, Nante, RB, Krisa, Abbie, Ernan, Kimi, Boop, Gerbel, and Bincai plus the rest of KCAP, lawyers, accountants, my doctors, household, drivers, security, nurses, teachers, therapists, tutors) BARANGAY na po kami. Overpopulated na.”
Well, open book naman na ang tatay ni Joshua ay si Phillip Salvador and after him, ang tinutukoy ni Kris na next serious relationship niya ay si Joey Marquez.

Tonite – Wendys Inhouse Ad