Abante Tonite Interactive

Pelikula ni Yam ‘di kinakahiya sa dyowa

0 923

Ipinagmamalaking ihandog ng Viva Films at Alliud Entertainment ang unang kolaborasyon nina direk Yam Laranas at ni Yam Concepcion sa horror movie na “Night Shift”.

Ang kuwento ay iikot sa morgue. Magtatrabaho si Yam (Jessie) bilang assistant ng isang pathologist.

Hindi naniniwala si Jessie sa mga kababalaghan, ngunit nang gabing ‘yon, nakaririnig siya ng mga tunog na tila galing sa mga bangkay. Higit pa doon, nakikita niya ang paggalaw ng mga ito. Habang tumitindi ang kanyang takot, nagsimulang mag-isip si Jessie tungkol sa ideya ng Huling Paghuhukom. At kung totoo ngang ang mga patay ay muling babangon, ang kanya namang pagkamatay ang sobra niyang kinatatakutan.

Sa Instagram post ni Yam, ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa mga taong nasa likod ng kanyang pelikula. Aniya, “I am impressed how efficient every single one is in the team.” Tinawag niyang “good leader” si Yam Laranas. Sinabi rin niya na mapalad siya na maging bahagi ng pelikulang ito. Ito ang unang pagkakataon na naging magkatrabaho ang dalawang Yam.

Ito rin ang unang horror movie na pagbibidahan ni Yam. Sey niya, proud siya na ipanood ito sa kanyang non-showbiz boyfriend Miguel CuUnjieng. Hindi raw kasi ito kagaya ng serye niyang “Halilk” na may mga maseselang eksena.

Palabas na ang “Night Shift” sa mga sinehan simula Enero 22, 2020. (Roldan Castro)