Abante Tonite Interactive

Pelikula nina Anne, Marco pinakapangit

784

Sa Pista ng Pelikulang Pilipino, may mga umasa pala na ang pelikula nila Anne Curtis at Marco Gumabao, ang “Just A Stranger” ay isa sa mga mapipili.

Prestige film nga naman ito lalo na nga’t bongga lagi ang mga film ni direk Jason Paul Laxamana na nakakasama sa PPP, mula “100 Tula Para Kay Stella, “Bakwit Boys” at “The Day After Valentines.”

High ang hopes na pasok sa banga ang Laxamana film, kaso, how true ang binulong na chika ni impeachable source sa diva that you love na selection committee para sa PPP, isa lang daw ang nagkagusto sa bagong obra ni direk Jason Paul na sa ibang bansa pa ang shooting?

How true ang dagdag kuda ni impeachable source na sa lahat ng mga pelikulang ginawa ni Laxamana, ito raw ang parang pinakapangit?
Siyempre, hindi ako nananalig na pangit ang movie lalo na nga’t hindi ako naniniwala agad sa mga sabi-sabi. The proof of the pudding is always in the ­eating, hindi ba naman?

With a bida as gorgeous as Anne Curtis and a leading man like Marco Gumabao na para sa diva that you love ay the Philippine’s sexiest man alive, hindi naman kaya inggit at ngitngit ang aking impeachable source kasi nga si Ms. Pouty Lips ang nagpasasa sa katawang lupa ni Marco?

Magpakatotoo ka na, impeachable source. May pangmalakasan kang pagnanasa kay Gumabao kaya poot na poot ka sa pelikula at super negatron ka.
Hahahaha!

Cristine pakialamera sa direktor

Mula para rin sa aking impeacha­ble source na mas mapula ang hasang sa hasa-hasa, kilala ko na kung sino at ano ang dahilan kung bakit nagmarakulyo si Xian Lim kaya sa kasalukuyan, eh deactivated ang IG account nito.

Si direk Sigrid Andrea Bernardo nga ba ang nagsabing masisira ang pangalan niya kay Lim dahil nga bano raw itong umarte? At ang isa pa nga ba sa sakit ng ulo ni Bernardo ay itong si Cristine Reyes na marami raw bawal lalo na pagdating sa pag-sho-shoot ng mga intimate na eksena? How true rin na sa shoot nila sa Georgio para sa “Untrue”, may eksenang kukunan na dapat half-naked si Reyes, tumanggi itong mag-shoot? At how true rin na sa post production, nakikialam daw ito sa pag-edit ng mga delicate niyang eksena kasama si Xian?

Literal nga bang nagdabog ang bangs ni “Kita Kita” director dahil sa mga given na ito? Si Xian, hindi napigil ang nagmamarakulyong damdamin, dinamdam na banong actor ang turing sa kanya kaya ang aria sa IG bago niya ito deactivated ay wagas na wagas.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Cristine sa chikang ito? Maipapalabas pa kaya sa sinehan ang “Untrue”?

How true rin na pinatunayan daw ni Xian dito na mali ang pakiwari sa kanya ni direk Sigrid? Ang daming tanong, may mga gusto bang sumagot o isulat na lang ang mga tanong na ito sa tubig tapos move forward na ta­yong lahat?

Peralejo forever starlet

Malaking bagay ba kung naghiwalay na ang de-kolor at puti nina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao?

Porke ba may pera sa apelyido ni Heaven, dapat siyang paratangan na she is living in a material world and yes oh yes, she is a material girl?
At hindi ba relatively young pa naman sila ni Jimuel, they can move on with their lives and charge to their youth and hormones their short lived romance?

Higit sa lahat, hindi ba isang malaki namang the WHO itong si Ms. Peralejo at nakilala lang natin siyang lahat nu’ng ka-close siya ni young master Pacquiao?

Naku, tama na ito. Stop na! Pigilan niyo. Paalam na sa the WHO na si ­Heaven, huh! Alam na alam nating lahat na pareho lang sila ni Kisses Delavin, pareho silang they will never make it!

Huwag bigyang ilusyon si Bb. Peralejo na dahil dito, may pag-asa na siyang sumikat. Once a starlet, forever a starlet not unless may tunay na talent at suwerte, baka sakaling mabago pa ang kapalaran niya.