Abante Tonite Interactive

Pelikula nina Judy Ann, Allen dinurog

0 614

Ang brillo nga ba ni direk Brillante Mendoza medyo hindi na shining, shimmering at splendid? Bakit kaniyo? Kasi naman ang Screen Daily reviewer na si Wendy Ide, parang hindi naibigan ang bagong obra ni Mendoza, ang “Mindanao”. Durog na durog niya talaga ito.

Ang heaps of praise, hindi niya ginawad sa buong pelikula. Sa iisang tao niya lang ibinigay, kay Judy Ann Santos.

Para kay Ide, si Santos ang“main asset” ng “Mindanao” na nag-world premiere sa Busan International Film Festival.

Kuda pa ni Ide, “the actress has considerable star power domestically and elsewhere should boost the film’s commercial prospects,” at “luminous” para sa kanya si Judy Ann sa pagbibigay-buhay sa katauhan niyang si Saima.

Huling papuri ni Ide kay Santos, “has grace and dignity with a performance which is a class apart from the rest of the picture.”

Kung pupuntahan niyo ang nasabing review, kapansin-pansin na mentioned ang pangalan ni Allen Dizon at katauhan nito pero kahit anong papuri para sa aktor, walang ibinigay si Bb. Ide.

Isa pa lang itong review na ito at sa mga susunod na araw, maaaring madagdagan pa. Dahil sa katotohanang ito, ma-diminish kaya ang chance ng “Mindanao” na makapasok sa highly contested four finished film slots?

Maalala kayang muli ng mga taga-Selection Committee na isa sa dating pelikula ni Mendoza ang sinasabing biggest flop of all time sa MMFF kaya nga laging may dalawa o tatlong pag-iisip kung bakit grabe ang alinlangan nila sa kanyang mga sinusumiteng pelikula?

Starlet sinapak, bali ang ilong

May katotohanan nga kaya ang chikang ibinulong sa akin ni impeachable source? Na isang starlet in hiatus, nilayasan na daw ang lalaki nito?

Pa-upswing na ang karera ni starlet. Lahat na yata ginawa nito para mapag-usapan, mapansin, maisulat hanggang nag-align ang mga bituin at planeta dumating ang mga bonggang-bonggang mga break-up.

Kaso, sadyang mapagmahal at mapagbigay ang starlet, habang pa-zoom na ang kanyang karera, nagpabuntis ito.

Happy mommy nga ba ang starlet? How true na in one major fight with her lalaki, sinapak daw ito in a major, major way at bali ang ilong ni starlet?

Siyempre pa, hindi puwedeng tuluyang madurog at masira ang kanyang magandang mukha, lalo na ang kanyang ilong dahil part ito of her beauty package. After nga ba a visit to a surgeon for a much needed rhinoplasty, tinuldukan niya na nga ba with matching tandang pandamdam ang relasyon na with the lalaki at siya na lang ang bumubuhay sa kanyang anak?

Kung totoo nga ito, nawa’y natauhan na nga si starlet. Magbalik alindog program muna siya at unti-unti, iparamdam sa lahat na puwede nga siyang magtrabahong muli.