Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pemberton gusto na lumabas sa Camp Aguinaldo

0 65

Umaasa umano ang kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na makalalaya na ito ngayong linggo.

Ayon kay Atty. Rowena Flores, legal counsel ni Pemberton, umaasa silang sa linggong ito mapalaya na ang kaniyang kliyente pero ito ay depende at nakasalalay talaga sa proseso ang release ng US Marine.

Si Pemberton ay nakapiit pa rin sa Camp Aguinaldo, dalawang araw matapos ianunsyo ang paggawad sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon, at isang linggo matapos ipag-utos ng Olongapo City Regional Trial Court ang kanyang early release sa ilalim ng good conduct time allowance.

Nitong Martes, sinabi ni Flores na nakipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation para sa pagkuha sa fingerprints ni Pemberton kung kailangan. Inaantabayanan din aniya nila ang ilalatag na proseso ng Bureau of Immigration at kinukumpleto ang requirement ng Bureau of Corrections.

Magugunitang 2014 nang ma-convict ang banyaga sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.