Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pemberton handa na sa 10-taong kulong

0 205

Tinanggap na ni Joseph Scott Pemberton, Amerikanong sundalo na napatunayang guilty sa pagpaslang sa transgender na si Jennifer Laide noong 2014, ang hatol ng Olongapo City Regional Trial Court, Branch 74, noong Disyembre 2015.

Ito ay matapos niyang i-withdraw noong Hunyo 2, 2020 ang kanyang apela noong 2017 sa kanyang conviction sa Supreme Court (SC).

Nalaman na unang hinatulan ng Mababang Hukuman si Pemberton ng 6-hanggang 10 taon pagkabilanggo dahil sa pagpatay kay Laude.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Laude, isang transgender woman, ay natagpuang patay sa banyo ng Celzone Lodge room sa Olongapo City noong Oktubre 11, 2014.

Sanhi nito isinasara na ng SC ang kaso ni Pemberton at ang kanyang conviction ay pinal na base sa kanilang resolusyon.

Ang desisyon ng SC na pumapayag sa motion to withdraw ay may petsang Hunyo 15 pero nitong Agosto 24 lamang inilabas sa publiko. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.