Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pemberton negatibo sa COVID-19

0 46

Nagnegatibo sa RT-PCR test para sa coronavirus disease si convicted US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ang swab test kay Pemberton, 25, ay isinagawa noong Miyerkoles at inilabas ng Bureau of Corrections ang kopya ng resulta nito kahapon mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Nakatakda siyang i-deport pabalik sa US matapos makatanggap ng absolute pardon mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula sa kustodiya ng Bureau of Corrections ay nailipat na si Pemberton sa Bureau of Immigration.

Si Pemberton ay nahatulang makulong ng hanggang sampung taon dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong 2014. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.