Abante Tonite Interactive

Peñalosa, atbp sa PSA Forum

265

Mga sport na archery, boxing at Universities, Colleges, Schools Athletic Association (UCSAA) ang sentro ng ta-lakayan sa weekly session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate.

Ibabahagi nina veteran coach Clint Sayo, archers Paul at Rachelle dela Cruz, at Andrea Robles ang tsansa ng national archery team sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games at sa Asia Cup leg 3 sa Tarlac.

Bibida rin sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sina boxer Carlo Peñalosa at Mexican Maximino Flores na magtatapat para sa International ­Boxing Organization (IBO) flyweight title.

Makakasama ng dalawang boksi-ngero sina two-time world champion Gerry Peñalosa, finalist April Jay Abne, Ronel Sumalpong, Lienard Sarcon, at Aljum Pelesio ng Ultimate Boxing Series.

Dadalo rin sa 10am sports session ang officials ng UCSAA na pangungunahan ni Dr. Nestor V. dela Cruz ng Saint Dominic Savio College. Magsisimu­la ang 9th UCSAA 2019 sa darating na Agosto 30 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. (Janiel Abby Toralba)