Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pensiyon ng mga retiradong sundalo aayusin

0 247

Bumuo ang Kamara ng isang ad hoc committee upang ayusin at tiyaking hindi mauubusan ng pondo ang pensiyon para sa mga retiradong military and uniformed personnel (MUP).

Si Ways and Means Committee Chairperson Joey Salceda ang inatasang mamuno sa komite, habang vice chairman naman si Appropriations Committee Chair Eric Yap.

Ang mga miyembro nito ay sina Deputy Speaker Isidro Ungab, National Defense and Security chair Raul Tupas, Public Order and Safety chair Narciso Bravo, Government Enterprises and Privatization chair Eric Olivarez, at Economic Stimulus and Recovery Cluster co-chair Stella Luz Quimbo.

Ayon kay Salceda, ang kasalukuyang MUP Pension System ay pinopondohan ng national government at darating ang panahon na hindi na ito kakayaning tustusan ng gobyerno kaya ngayon pa lamang ay dapat nang ayusin.

Tiniyak naman niyang hindi magreresulta sa pagliit ng pensiyon ang gagawing pagbabago sa sistema. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.