Abante Tonite Interactive

People power vs Duterte ‘di magtatagumpay — Panelo

726

Minaliit lamang ng Malacañang ang mga nagbabalak patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto kasabay ng paggunita sa EDSA people power sa susunod na linggo.

Tinawag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ‘wishful thinking’ ang plano diumano ng ilang grupo na nananawagan sa social media para suportahan ang kanilang gagawing people power.

Sinabi ni Panelo na kailanman ay hindi magtatagumpay ang anumang masamang balak laban kay Pangulong Duterte dahil suportado ito ng mayorya ng mga Pilipino.

Isa umano sa isyu na dadalhin ng mga nais magpatalsik sa Pangulo ay ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Pero iginiit ni Panelo na sinusuportahan ng mili­tar ang naging desisyon ng Pangulo na kanselahin ang VFA kaya malabong magtagumpay ang balak na pagpapatalsik sa kanya sa puwesto. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad