Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pepper spray ginamit sa holdap: P2M cash ng Chinese tinangay

0 70

Kalaboso ang tatlong Intsik matapos nilang spray-an ng paminta ang mata ng kababayan nilang babae at tangayin ang dala nitong P2 milyong cash sa Parañaque City kahapon.

Kinilala ng biktimang si Zhang Huai Zhen ang mga suspek na sina Whang Chao; Tang Neng at Qiu Long Qing, pawang nasa hustong gulang.

Sa tinanggap na ulat ng SouthernPolice District, nangyari ang insidente sa Sta. Ana 1, Bgy. Moonwalk, Parañaque City, alas 4:20 ng umaga.

Naglalakad umano ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at kunwang kinompronta siya.

Habang nagtatalo, sinabuyan ng isa ng pepper spray ang biktima sabay deklara ng holdap at natangay ang pakay.

Nagsumbong ang biktima sa pulisya na agad namang kumilos at nadampot ang tatlo. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.