Abante Tonite Interactive

Pera at palaka

298

DREAM CATCHER

Dear Dream Catcher,

Napanaginip ko pong nasa school ako tapos may nakita akong P100.

Sinusungkit ko daw pero ‘di ko makuha dun sa halamanan. Tapos nagsaboy o parang nagdilig ng tubig ang isang teacher at naanod daw ‘yung pera hanggang sa hindi ko na nahabol. Tapos pumasok ako sa office at nakita ko naman ang katrabaho ko na nagbibilang ng pera na 20s kaya luma­bas ako.

Habang naglalakad ako, may nakasalubong naman ako na namimingwit ng palaka.

Nakita ko daw ‘yung dalawang palakang bukid na sobrang tataba at parang buntis. Kinausap ko pa daw ‘yung kuya na namimingwit at sinabi kong ang tataba ng huli niya. Naglakad daw kami hanggang sa mapunta kami sa bulding na parang itinatayo pa lamang. Sa mga pader ay may nakamarkang kamay ng baby. Habang papasok kami sa loob, marami kaming nakitang palaka kaya hinuli ito ni kuya. Tapos ay may nakita akong P500 at naisip ko na baka iyon ang perang sinusungkit ko na inanod. Sabi ko dun sa ku­yang nami­mingwit at kunin niya ang pera at hati na lamang kami. Kinuha naman niya ang pera pero nagising ako nang hindi niya ito naibigay sa akin. Paggising ko naalala ko na P100 iyong naanod at hindi P500.

Nikki

Dear Nikki,

Dalawang simbolismo ang higit na nangi­babaw sa iyong panaginip: Ang mga palaka at ang pera.

Ang palaka sa panaginip ay sumisimbolo sa pagmamahal, sa mga biyaya ng buhay at sa kasaganaan. Ang bahagi ng iyong pana­ginip na dalawang beses kang nakakita ng pera ay konektado sa bagay o maaaring mga taong na itinuturing mong mahalaga sa buhay mo.

Ang panghuhuli ng palaka sa panaginip ay indikasyon naman na posibleng may pagtutol ka sa mabilis na pagbabagong nangyayari sa iyong buhay.

Ang palaka ay simbolo rin ng pagbabago dahil ang bawat palaka ay dumadaan sa transpormasyon mula sa pagiging tadpole bago tulu­yang maging palaka.

Sila rin ay kayang mabuhay sa tubig at kalupaan. Ang palaka ay sumisimbolo rin sa pure soul kahit ito’y merong hindi magandang hitsura tulad na lamang ng istor­ya ng frog prince.

Sa mga Chinese ang palaka ay positibong simbolo dahil ito’y ikinokonek sa su­werte kung sa aspeto ng negosyo at ito’y ikinokonek din sa healing. Sa mga Hapon, ang palaka ay ikinukonsidera ring luck animal at itinuturing na pagbabalik ng suwerte.

Sa iyong panaginip, dalawang beses ding nawala sa iyo ang pagkakataong magkaroon ng pera. Dalawang beses kang nakakita ng pera: Una ay ang P100 na sinusungkit mo sa halamanan pero inanod at ang P500 na nakita mo naman habang kasama mo ang nami­mingwit ng palaka na sa bandang huli ay hindi rin napasaiyo dahil nagising ka na.

Kung ikokonek mo ang pera sa anumang mahalaga sa iyo, puwedeng bigyan mo ito ng interpretasyon bilang magagandang oportu­nidad na kung hindi mo pag-iingatan ay maari pang mawala sa iyo o mapunta sa iba.

Ang palaka, bagama’t marami kang nakita ay muli mong ipinasa sa ibang tao. Sa halip na ikaw ang manghuli ay ipinahuli mo sa nami­mingwit. Kung hahanap ka ng pinakamalinaw na mensahe sa iyong panaginip: Ito’y maikokonek mo sa mga oportunidad na hindi mo na dapat pang pakawalan.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.