Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pera, droga sa MCDO buy-bust nawawala

0 107

Ni Nancy Carvajal

Palaisipan ngayon kung nasaan ang pera at iligal na droga na ginamit umano sa operasyon na humantong sa madugong shootout sa pagitan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District sa McDo sa labas ng Ever Gotesco sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Pebrero 24.

Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito naitu-turn over sa National Bureau of Investigation kung saan tanging baril at cellphone pa lang ang naisusuko.

“We received the firearms and the cellphones of those identified involved in the supposed illegal drugs operation, but the boodle money and the contraband has not been turnover to the NBI,” sambit ni deputy for forensic and spokesperson Ferdinand Lavin sa Politiko.
Sa ngayon ayon pa kay Lavin, na siyang humahawak ng mga ebidensya, ay patuloy pa ang ginagawa nilang pagbusisi sa nangyaring krimen.

Mahigit 20 tauhan naman ng QCPD na nadawit sa shootout ang lumutang sa NBI para ibigay ang kanilang panig sa nangyaring madugong engkuwentro na ikinasawi ng tauhan ng magkabilang puwersa kabilang ang isang umanong tipster ng PDEA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.