Abante Tonite Interactive

Pera padala ng mga OFW pumalo sa $8.1B

0 292

Nadagdagan ng 6.4 porsiyento ang personal­ remittance ng mga overseas Filipino worker­ (OFW) noong Marso 2019.

Nakapagtala ng US$2.8 billion noong Marso 2019 mula sa padalang pera ng mga OFW kumpara sa US$2.6 billion sa parehong buwan noong 2018.

Dahil dito, pumalo na sa US$8.1 billion ang total remittance sa first quarter ngayong taon, na mas mataas ng 3.7 porsiyento kumpara sa US$7.8 billion na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diok­no­ sa isang pahayag nitong Miyerkoles.

Batay sa datos, pinakamaraming padala mula sa Estados Unidos kasunod ang Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Canada, Qatar, Hong Kong at Kuwait.

Ang pinagsamang remittance mula sa mga nasabing bansa ay 78 porsiyento ng total cash remittance simula noong Enero hanggang Marso ngayong taon. (PNA)