WebClick Tracer

METRO

‘PERA sa Basura’ vendo collecting machine project ilunsad sa Batanes

ABANTE TONITE

BASCO, BATANES — Inilunsad ng Department of Science and Technology–Provincial Science and Technology Office (DOST-PSTO) Batanes, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes, ang “PERA sa Basura” Vendo Collecting Machine, isang makabagong programang nagbibigay ng insentibo kapalit ng mga recyclable na plastik na bote at lata.

Layunin nitong gawing “trash to cash” ang mga basurang maaari pang mapakinabangan, habang hinihikayat ang mga Ivatan at turista na makiisa sa wastong waste segregation, recycling at pangangalaga sa kalikasan.