Abante Tonite Interactive

Peralta humarabas, Altas naka-2 sunod

0 154

Kinarga ni Rey Peralta ang Perpetual Altas matapos talunin ang JRU Heavy Bombers, 77-66, sa huling laro kahapon ng 95th Season ng NCAA men’s basketball action sa FilOil Flying V Centre.

Bumomba ng career-high 25 points at 9 rebounds si Peralta upang ibigay sa Alta sang ikalawang sunod na panalo para sa 5-10 panalo-talo kartada.

Hindi rin nagpahuli si Benedict Adamos matapos magpakawala ng double-double record na 11 markers at 12 rebounds habang umambag rin ng 13 points at 9 dimes si Edgar Charcos.

“He deserves it,” ani coach Frankie Lim sa ginawang career-high record ni Peralta. “I had to put him in the game for like 30 minutes. Wala akong choice.”

Hindi naman umubra ang ginawang 16 markers ni Agem Miranda upang wakasan sana ang ika-4 na sunod na talo ng JRU Heavy Bombers na may 4-11 kartada. (Aivan U. Episcope)

Mga puntos:

UPHSD (77) – Peralta 25, Charcos 13, Adamos 11, Guissani 9, Razon 6, Aurin 6, Labarda 4, Sese 3, Tamayo 0, Martel 0, Sevilla 0, Cuevas 0.

JRU (66) – Miranda 16, Delos Santos 12, Dionisio 10, Vasquez 7, Dela Rosa 6, Jungco 5, Arenal 4, Amores 4, Aguilar 2, Abaoag 0, Macatangay 0.