Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez Chess lalarga

0 37

ILALARGA ngayong araw ang Coach NM Roland Joseph Perez Memorial Online Chess Tournament na inorganisa ng United Queens Chess Club (UQCC).

Dating pambato ng Adamson University chess team, pumanaw si Perez nakaraang buwan.

Bilang pagkilala sa mga naiambag sa Philippine chess, nagsagawa ng chess for a cause ang kanyang mga estudyante, kaibigan at kapwa player, dekada 90 nang maging aktibo sa chess si Perez, hindi pa master ay marami nang pinagpipisak.

Magsisimula ang nasabing tribute kay Perez sa alas-7 ng gabi kung saan may registration na P100, masisikwat ng magkakampeon ang P2,000, may P1,000 at P700 ang second at third placer. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.