Abante Tonite Interactive

Perez, F2 Logistics dumiliber sa semis

By
1,202

Nalampasan ng F2 Logistics ang tensiyonadong endgame bago kumpletuhin ang 25-18, 25-18, 27-25 victory laban sa Smart sa quarterfinals ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix kahapon sa Gen Trias Sports Center sa General Trias, Cavite.

Katulad ng inaasahang, ibinigay ng mga import Maria Jose Perez at Kennedy Bryan ang mga pamatay na atake para basagin ang Giga Hitters sa torneong pinopondohan ng Isuzu at UCPB Gen katuwang ang ESPN5 bilang official broadcast partner.

Haharapin ng F2 Logistics ang mamananaig sa upakang Foton at Sta. Lucia Realty, sa paparating na best-of-three semifinal series simula Martes sa ligang suportado rin ng Senoh, Mikasa, Asics, LGR at Grand Sport bilang technical sponsors.

Bumalikat si Perez, reigning Most Valuable Player, ng 17 hits habang si Bryan ay mayroong 15 kills at isang butata para sa 16 points sa Cargo Movers, na napigilan ang angas ni Cuban sensation Gyselle Silva kahit wala si ace blocker Aby Marano.