Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez gamay na ang SMB

0 64

Unti-unti nang nagagamay ni CJ Perez ang bago niyang team na San Miguel Beer.

Sa huling dalawang laro habang wala si Terrence Romeo at hinay-hinay pa ring kinukuha ni Alex Cabagnot ang ritmo mula injury, si Perez ang tumukod sa Beer.

Kontra Alaska sa pagtatapos ng eliminations at laban sa NorthPort sa Game 1 ng kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals series, nag-average an gang 27-year-old, 6-foot-2 guard-forward ng 17 points mula 44 percent 3-point shooting, 6 rebounds, 2.5 assists at 2 steals per game.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa 101-100 win kontra Aces, si CJ ang nag-assist sa game-winning 3 ni Marcio Lassiter.

Sa 88-87 thriller win kontra Batang Pier mula sa game winner ni Cabagnot noong Linggo, solido rin ang 14 points, 6 rebounds, 2 assists ng dating Rookie of the Year.

Kaya si Perez ang tinanghal na Cignal Play-PBA Press Corps Player or the Year nitong Sept. 22-26. Naungusan ng third-year guard sa weekly honors sina teammates Mo Tautuaa, June Mar Fajardo at Chris Ross, Mac Belo, Alvin Pasaol, Allein Maliksi at Bong Quinto ng Meralco. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.