Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, Gilas 3×3 papatigas sa bubble

0 218

Papasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sa susunod na linggo ang Gilas 3×3 men’s basketball team para sa training camp bubble sa paghahanda sa International Basketball Federation Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa May 26-30.

Magsasama-sama sina Philippine Basketball Association stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa ng San Miguel Beer at pro league incoming rookies Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco.

Gayundin sina reserves Leonard Santillan ng Rain or Shine at journeyman Karl Dehesa.

“All the players and coaches, led by SBPI 3×3 program director Ronald Magsanoc, have started the protocol necessary to enter the training bubble and they will start their practices next week,” lahad Miyerkoles ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. president Alfredo Panlilio.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinasalamatan ng opisyal si PBA Commissioner Willie Marcial, Board of Governors at team ng limang player sa suporta.

Makakaharap ng Nationals sa prelims ang Qatar at Slovenia sa May 26 kasunod sa Mayo 28 ang Dominican Republic at France.

Naniniwala si Panlilio na kaya manorpresa ng PH squad na may abilidad, liksi at taas laban sa mga tigasing karibal. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.