Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez ginagamay ang San Miguel

0 219

Mukhang nagsisimula nang magamay ni CJ Perez ang mga bagong teammate.

Sa photo na inilabas ng San Miguel Beermen sa Twitter Biyernes, kasama ng reigning PBA two-time scoring champion sina Marcio Lassiter, Chris Ross, Mo Tautuaa at Arwind Santos.

Nasa gym sila, kundi mag-eensayo ay katatapos lang ng workout.

Nakakaintriga na agad ang photo kung iisipin ang magagawa ng lima.

Wala pa roon sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Terrence Romeo at Von Pessumal.

SM food to go Banner Ad

Tulad ni Perez, two-time scoring champion din si Romeo. Pero inaasahang manggagaling sa bench ang dalawa kapag nagbukas ang 46th pro league season simula sa Philippine Cup sa darating na April 11.

Kahit sino ang bunutin ni coach Leo Austria, makakapag-deliver.

Tiwala ang SMB na makakabalik na sa susunod na season si Fajardo. Inabot ng shin fracture at inoperahan ang six-time MVP, hindi nakalaro noong nagdaang season at natapos sa lima ang sunod-sunod na paghahari ng SMB sa import-less conference.

Isasagawa muna ng liga bukas ang unang aktibidad para sa taong ito, ang 36th Draft na may 86 applicants at inaasahang gagawing top pick ng Terrafirma si Joshua Munzon para sa 2021 rookie batch. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.