Abante Tonite Interactive

Perez iti-trade ng Dyip sa Beermen

896

Huwag lang magpakita ng sipag at galing ang isang player,­ magiging tampulan na agad ng tsismis na iti-trade ng pinaglalaruang team.

Hindi nakaligtas rito si CJ Perez, ang super-rookie ng Columbian Dyip.
Iti-trade na aniya siya ng Dyip, at ang napipintong destinasyon ay ang San Miguel Beer.

Wala lang iyon kay Perez. Katatapos lang niyang bunuin ang unang full season sa PBA matapos tapikin ng Columbian bilang No. 1 pick noong 2018, heto na ang mga pambulabog na tsismis.

Ayaw magpaapekto ang guard na tubong Pangasinan at produkto ng Lyceum.
“Sa tingin ko, hindi naman (totoo iyong rumors),” giit ni Perez nitong Sabado.

Frontrunner si Perez sa Rookie of the Year award matapos ang impresibong average na 20.8 point, 7.4 rebound at 3.4 assist sa kanyang freshman year.

League-leading ang kanyang scoring, at pumapa­ngalawa pa siya kay June Mar Fajardo sa stat race.

Sa mundong ginagalawan, tanggap na raw ni Perez na mas malamang hindi siya mapipirme sa isang team.

“Siyempre ganoon talaga ang basketball,” aniya. “Hindi natin mase-secure kung saan tayo mapupunta.”

Walang tugon ang mga kinauukulan – SMB at Columbian – sa pasabog ni Perez. (VE)